Sabay sa paglamig ng hangin, ang pag-awit ng mga pamaskong handog ng "Himig Pasko, RW Christmas Duet".
Ang RW 95.1 FM ay patuloy ang pag suporta sa mga Kapampangan artists sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataong maipamalas ang kanilang angking galing.
Limang pares ang napiling magpakitang gilas awit ang kani-kanilang pamaskong himig. Sila sina Kenard David at Jennelyn Carlos, Jim Martin Quiambao at Mae Raquel Lacbain, Anne Valerie Vital at Tiffany Flancia, Reinon Tolentino ka duet si Gale Andrew Lacsina at Jeaneal Jean Mariano katambal si Dan Rey.
December 17, 2010, isang araw bago ang Giant Lantern Festival ay live na ginanap sa RW 95.1 FM studio sa programang MUSIC BABAD ang Grand Finals ng HIMIG PASKO, RW CHRISTMAS DUET. Buong Central Luzon ay tumutok sa naggagandahang tinig ng limang grand finalists.
Ang mga hurado ng nasabing patimpalak ay ang Chairman ng Mabalacat Water District, broadcaster, photojournalist at music enthusiast na si Mr. Deng Pangilinan. Awardee sa nakaraang AWIT AWARDS 2010, Award Winning Kapampangan Recording Artist na pinasikat ang mga Kapampangan songs na "O Jo Kaluguran Daka, O Jo Ika Ing Buri Ku, Mekeni O Jo, Wer Na You at Labing Adwang Regalu Ning Jowa Ku" na si Ara Muna at ang Associate Programmer ng RW 95.1 FM na si Mr. Aner Yandan.
Itinanghal na wagi ang duo mula sa Mother of Good Counsel Seminary na sina Reinon Tolentino at Gale Andrew Lacsina. Pinahanga nila ang mga hurado sa kanilang bersyon ng “Gawan Meng Belen ing Kekaming Balen” at “Neng Daratang Ing Pasku”. Iniuwi nila ang Ps 15,000 prize at certificate.
First Runner Up naman sina Jeneal Jean Mariano at Dan Rey na mula sa San Vicente Quebiawan, City of San Ferando at Guagua. Kanilang inawit ang "O Holy Night" at "White Christmas". Sila ay nanalo ng Ps 10,000 at certificate.
Hindi naman nagpahuli ang contestant number two na sina Jim Martin Quiambao at Mae Raquel Lacbain ng awitin nila ang “Diwa ng Pasko at "It’s Christmas Time Again". Ang tandem mula Angeles University Foundation ang itinanghal na Second Runner Up. Kanilang napanalunan ang Ps 5,000 at certificate.
Samantala, nakatanggap ng Ps 1,000 na consolation prize ang iba pang mga sumali.