Kaka-kilig na Pebrero

Get Flash to see this player.


    Bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang kuwentong puso. Nagmahal at nasaktan, umasa at iniwan, at mayroon din naman naging ubod ng saya sa pag-ibig. Ilan lamang ito sa mga tunay na karanasan nating mga nagmamahal at minamamahal.

    Ang inyong kuwentong pag-ibig ay nagdagdag kulay at saya lalo na sa buwan ng Pebrero. Ang inyong countryside radio RW 95.1 FM ay naglunsad ng patimpalak na "Kwentong Puso Ngayong Buwan Ng Pebrero". Dito inilahad ang mga nakaka kilig at makabagbag damdaming love stories na nagsilbing inspirasyon sa mga tagapakinig. Ito ay nilahokan ng mga cabalen at limang bukod-tanging kwento ng pag-ibig ang hinirang na panalo ng Ps 1,000 worth of Cabalen Gift Certificate at Ps 1,500 worth of Jansen Cosmetics Gift Certificate. Ang kanilang kwento ay inihayag at pinakinggan ng buong Central Luzon sa RW 95.1 FM noong February 8-12, 2010.

    Ang mga nanalo ay sina Shirley Alquero ng San Nicolas Lubao, Patrick Quiroz mula sa San Isidro, Marivic Manalese ng Sindalan, Hazel Cabral mula Sta. Cruz Mexico, at Mariz Malang ng City of San Fernando.

    Congratulations sa lahat ng mga panalo at salamat sa lahat ng mga nagbahagi ng kani-kanilang kuwentong pag-ibig.